P258-K Payroll Money, Tinangay ng Brgy. Treasurer

KINUHA NG mismong treasurer ng Barangay Mabayuan, Olongapo City ang P258,000 na payroll money sana para sa mga kawani at opisyal ng naturang barangay.

Nag-withraw umano ang barangay treasurer na si George De Guzman,47-anyos, residente ng 53 Upper Grotto noong Nobyembre 19 para ipasahod sa kawani ng barangay. Ngunit bigla itong tumakas tangay ang pera.

Humihingi na ngayon ng tulong sa awtoridad si Barangay Chairman Roberto Ferrer para sa ikahuhuli ni De Guzman.

Nagulat naman ang tatlong anak nito sa nangyari. Naiwan din ni De Guzman ang kanyang asawang na-stroke.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.