P250-M Halaga ng Ari-arian, Natupok sa Divisoria; Sunog, Kontrolado na

TINATAYANG AABOT sa P250-milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa Divisoria Mall na patuloy pa ring inaapula.

Sinabi ni Fire Sr. Supt. Anderson Comar, Regional Director for Operations ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) na umabot sa 39 oras bago tuluyang ideklarang kontrolado na ang apoy, alas-3:37 Biyernes ng hapon.

Maaalala na 12:02 Martes ng hating-gabi nang sumiklab ang sunog mula umano sa basement ng mall.

Bagama’t under control na ang sunog, patuloy pa rin ang paglabas ng usok mula sa ikalawang palapag ng gusali.

Dalawang trak ng bumbero mula sa BFP at isa pa mula sa pribadong grupo ang naka-standby pa rin sa nasabing lugar.

Posibleng abutin pa ng dalawa hanggang tatlong araw bago tuluyang maideklarang fire out ang naturang sunog.

Samantala, dahil sa nangyari, nagkalat ang mga vendor sa kalsada na nagpapasikip naman sa daloy ng trapiko papasok sa Divisoria.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.