P250-K Halaga ng Pekeng Pera, Nasabat sa CDO

NADAKIP ANG isang miyembro sa grupo ng sindikato sa pagpupuslit ng pekeng pera sa Cagayan de Oro City.

Ito’y matapos ilunsad ang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa suspek na si Tomas Laman Jr. ng Brgy. Carmen sa lungsod.

Sinabi ni SPO3 Noel Oclarit ng CIDG na kanilang naaresto ang suspek matapos mayroong nakapagbigay ng impormasyon sa iligal na gawain nito.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa salarin ang umaabot sa P250,000 na halaga ng pekeng pera kasama ang isang computer set na ginamit nito sa paggawa ng pekeng pera.

Mariin namang itinanggi ng salarin na sangkot ito sa pagpupuslit ng pekeng pera.

Si Laman ay mahaharap sa kaukulang kasong kriminal na may kaugnayan sa pagpupuslit ng pekeng pera alinsunod sa mga batas na napapaloob sa BSP.

Samantala, napag-alaman na noong nakaraang mga buwan, ilang grupo na rin ang naaresto ng BSP-PNP joint operations dahil sa malawakang pagpupuslit ng pekeng pera sa Cagayan de Oro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.