P22.5-M Halaga ng Shabu, Tinunaw

TINUNAW NG Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P22.5-milyong halaga ng Shabu sa harap ng media sa Hall of Justice sa Bacolod City.

Ginamitan ng PDEA ng muriatic acid ang mahigit 5,000 gramo ng Shabu para matunaw.

Sinabi ni Atty. Romy Delicana, Regional Director ng PDEA na inimbitahan nila ang media para saksihan ang pagsira sa mga droga na ginamit na ebidensya sa korte sa maraming kaso laban sa mga drug personality.

Standard operating procedure (SOP) na aniya na kanilang sinisira ang ebidensiya kapag natapos na ang nasabing kaso.

Sa ngayon, nasa P72,000 halaga naman ng Marijuana ang sinira rin ng PDEA.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.