P207-B BUDGET NG DEPED, KULANG

INIHAYAG NG DEPARTMENT of Education (DepEd) na sa kabila ng P207 bilyong pondo na nakalaan sa kanila ngayong 2011, kulang na kulang pa rin ito para matugunan ang pangangailangan sa dagdag na classrooms dahil sa paglobo ng populasyon.

Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, kasalukuyang nasa 152,569 silid-aralan pa ang kulang nila upang mapunan ang target na 1:45 classroom-students ratio para sa single shift na klase.

Bukod pa rito ang napa-karaming ring mga silid-aralan na kailangang kumpunihin na sa sira-sira na ang marami dahil sa kalumaan at ang iba ay tinamaan ng kalamidad.

Itinaas naman umano ang pondo para sa konstruksyon ng silid-aralan sa kanilang 2011 budget allocation mula sa P6 bilyon noong 2010 tungo sa P12 bilyon ngayong taon, ngunit hindi umano talaga sapat.

Dahil dito, muling humingi ng tulong ang DepEd sa mga kapartner na ahensiya at lokal na pamahalaan.  Isang memorandum of agreement (MOA) ang pinirmahan ng ahensiya kasama ang Department of Budget and Management at League of Cities of the Philippines (LCP) upang humanap ng solusyon para mapondohan ang pagtatayo ng mga silid-aralan.

Sa ilalim ng counter-parting program, manggagaling ang inisyal na 50% ng gastos sa konstruksyon ng mga silid-aralan sa mga lokal na pamahalaan na miyembro ng LCP na siyang tutukoy naman sa mga lugar na bibigyan ng prayoridad. Ilalabas naman ang nalalabing 50% na pondo sa oras na magbigay ng sertipikasyon ang LGU (local government unit) na nakapagpalabas na sila ng pondo at may 50% na ng gusali ang naitatayo.

“Ang counterparting ay isang modernong ideya ng bayanihan. Ang isang tungkuling-bayan na dati ay nakaatang lang sa balikat ng DepEd ay pinagtutulungan nang pasanin ng ating mga local executives at ng DBM,” ayon kay Luistro.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.