P200-M Anomalya sa DPWH, Pinabubusisi

PINABUBUSISI NG ILANG residente sa Region VIII kay Secretary Rogelio Singson ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang maanomalyang bidding sa walong  Flood control Projects na tinatayang aabot sa P200 milyong, kung saan hinati-hati sa iba’t ibang lugar sa naturang rehiyon bago idiaaos ang 2010 national at local elections.

Ayon sa mga kritiko, tila hinokus-pokus ang ginawang bidding nito sapagka’t sa kabila ng isang katutak na ng mga kontraktor sa Tacloban City, mapalad umano ang Three W Builders Construction Company, dahil nakuha umano nito ang lahat ng mga sinasabing projects sa buong rehiyon.

Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng P19,285,918.79 Dredging/Desilting of Tigbao River/Waterways sa
Tacloban City; P19,286,533.07 Dredging/Desilting of Mahayhay and Sagkahan Creeks/Waterways – Tanauan, Leyte; P19,286,056.40 Dredging/Desilting of Calogcog and Solano Rivers/Waterways – Tanauan, Leyte; P19,637,877.27 Dredging/Desilting of Taboan Waterways – Tacloban City; at ang P19,639,201.20 Re-Channeling/Dredging/Desilting of Pagsangaan – Liloan, Ormoc City.
Kasama rin sa walong projets ang P19,285,201.40 Dredging/Desilting of Guinarona River/Waterways – Tanauan, Leyte; P38,586,252.00 Rechanneling of Cabayongan River – Jaro, Leyte; at ang P19,285,593.13 Dredging/Desilting of Candahug Waterways sa Palo, Leyte.

Hinihinala ng nasa rank and file at ilang opisyal ng naturang rehiyon na hindi umano dumaan sa tamang proseso ng bidding ang mga nasabing proyekto, dahil anila, imposible sa walong flood control projects na walang lokal na kontraktor ang magkakainteres dito.

At anila, maaring ginamit lamang umano itong kontraktor ng isang opisyal sa loob ng rehiyon para sa kanya sariling kapakanan upang magkamal ng limpak-limpak na salapi sa kabila ng labag ito sa umiiral na batas.

Sinabi pa ng hindi nagpakilalang kawani ng nabanggit na rehiyon na imposible ring makagawa ang kontraktor ng dredging/desilting sa Taboan waterways dahil man-made canal ito at hindi makakadaan ang dredger, bukod pa sa  hanggang buko-buko lamang ang tubig nito.

Ang ginawa lamang diumano ng kontraktor ay hanggang clearing lang sa gilid ng creek sa pamamagitan ng pagtabas ng mga damo sa gilid at paglinis ng mga sanga ng kahoy na nakabara sa creek, ayon sa isang nagngangalang Gerry Canaya na nakatira sa tabi ng Mahayhay creek. (Froilan Morallos)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.