P200 Limos sa Simbahan, Ninakaw; Kelot, Kulong

NAHAHARAP SA kaukulang kaso ang isang lalaki sa Quezon Province dahil sa pagnanakaw ng mga perang nakalagay sa kahon ng mga limos sa loob ng simbahan.

Kinilala ang salarin na si Lito De Leon, 33, ng Barangay Poblacion 4, Sariaya.

Ayon kay SPO3 Menardo Del Mundo ng PNP Sariaya, pinasok ni De Leon ang St. Francis de Asisi Parish Church at dito binuksan ang kahong lalagyan ng mga limos ng mga nagsisimba.

Aktong aalis na sana ang salarin bitbit ang pera nang mahuli naman ito ng nakabantay na guwardya.

Tinatayang mahigit P200 ang laman ng alm box.

Samantala, nananatili pa rin sa kulungan ang naturang kawatan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.