P20-M shabu, nasabat

NASABAT NG MGA tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P20 milyong halaga ng Shabu sa Cagayan de Oro City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa PDEA Region 10, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa shipment ng droga sa naturang lungsod.

Araw ng Linggo pa umano ito sinusubaybayan ng mga awtoridad, kung saan natuklasan na ang package ay mula sa Las Piñas City.

Isang 21-inch television set ang laman ng package subalit nang inspeksyunin, nadiskubreng nakadikit sa picture tube ang dalawang kilong Shabu.

Arestado ang isang Sammy Yusop na siyang kumuha sa package mula sa isang courier.

Patuloy pa ang im-bestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.