P20-M, Naabo sa Sunog sa Navotas

TINATAYANG AABOT sa 20 milyong piso ng mga ari-arian ang naabo makaraang tupukin ng apoy ang may labing-limang kabahayan at isang food house sanhi ng nag-init na kordon ng kuryente sa Navotas City kahapon ng umaga.

Ayon sa Arson Division ng Navotas Fire Department, dakong alas-2:00 ng umaga nang magsimula ang nasabing sunog sa San Andres St., M. Naval ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na sa bahay ng isang Alita Dela Cruz ng nasabing lugar ang pinagmulan ng apoy sanhi ng napabayaang nag-init na  kordon ng dragon light sa altar ng bahay.

Bigla na lamang nag-apoy sa bahay ni Dela Cruz hanggang sa madamay ang iba pang kabahayaan kung saan nadamay ring masunog ang Samarenos food house na pag-aari ng isang Roger Albaroque na nasugatan dahil sa pagtulong na mapatay ang mga kabahayan na nasusunog.

Nahirapan ang mga pamatay-sunog na maa-pula ang pagkalat ng apoy dahil sa madilim at makipot na eskinita kaya hirap daanan ng mga bumbero.

Dakong alas-7:00 ng umaga nang idineklarang fire out na ang sunog na umabot ng 5th alarm.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.