P20-M Cash at Alahas, Tangay ng ‘Dugo-Dugo Gang’

AABOT SA P15 milyon hanggang P20 milyong halaga ng cash at alahas ang natangay sa isang bahay sa exclusive subdivision sa Mandaluyong sa pag-atake ng tinaguriang “dugo-dugo gang”.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, lumitaw na nagpanggap na may-ari ng bahay ang caller at ayon sa kanya’y naaksidente siya.

Inutusan niya ang kasambahay na buksan ang kanyang vault at kunin ang mga laman nito. Gamit ang isang bareta nakuha ng kasambahay ang mga hinihingi sa kanya.

Pagkatapos nito, si-nabihan siyang maki-pagkita sa isang lugar sa Caloocan.

Sa isang babae i-binigay ng kasambahay ang bag na puno ng alahas at pera.

Sinabi ng mga kinauukulan na pinag-aaralan ng “dugo-dugo gang” ang kanilang galaw bago sila sumalakay.

Kaya naman paalala ng mga awtoridad, laging kumpirmahin ang mga natatanggap na tawag sa bahay tungkol sa mga amo, lalo na kung may sangkot na malaking halaga rito.

Samantala, hindi naman muna sasampahan ng kaso ng mga nabiktima ang kasambahay.

(PARAZZIREPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.