P20 Dagdag-Sahod sa MM, Epektibo Na

EPEKTIBO NA mula kahapon ang P20 umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa buong Metro Manila.

Mula sa P426, magiging P446 na ang suswelduhin ng mga manggagawa na ma-dadagdagan pa ng P10 sa darating na Disyembre.

Aminado naman ang mga negosyante at gob-yerno na posibleng hindi kayanin ng ilang employer ang dagdag na sahod na posibleng magresulta sa tanggalan sa trabaho.

Noong nakaraang taon, nasa 80 porsiyento lang ng mga negosyo ang sumunod sa dagdag sa minimum wage.

Diringgin naman ngayong araw ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang hirit ng mga employer na bawiin o bawasan ang inaprubahang dagdag-sahod. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.