P2-M Halaga ng Hotlogs, Kumpiskado

 

AABOT SA P2 milyon ang halaga ng iligal na troso na nakumpiska ng  National Bureau of Investigation (NBI) sa Barangay Dansolihon, Cagayan de Oro City.

Arestado rin si Archie Balotaulo alias “Boyet”, residente ng Purok Langag, sakop ng nasabing barangay.  Habang pinaghahanap ang nakatakas na isa pa na si Edgar E. Gamat, ng Talakag, Bukidnon.

Ayon kay Atty. Jose Doloiras, NBI regional director, kasong paglabag sa Sec. 68 ng  Presidential Decree 705 (Revised Forestry Code of the Philippines)  na may kaugnayan sa Executive Order 277 and Executive Order 23 ang kinakaharap ng dalawa.

Ayon kay Doloiras, nasabat ng NBI agents ang illegal logs na lulan ng closed van sa national highway pasado alas-4 ng hapon.

Ang mga kinumpiskang troso ay isinailalim sa kustodiya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa bayan ng Initao, Misamis Oriental at Malasag sa Barangay Cugman.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.