P2-M Halaga ng Ari-arian, Naabo sa Maynila

TINATAYANG AABOT sa P2 milyon ang halaga ng mga nasunog na ari-arian sa residential at commercial complex sa Atis Street kanto ng Mindanao Avenue sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sugatan ang fire volunteer na si Jess Claudio matapos nagtamo ng first degree burn sa kanang paa.

Anim na commercial establishment at siyam na kabahayan ang nadamay sa nasunog na complex kung saan 20 pamilya ang apektado.

Base sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa bahay ng isang Monet Sitioco nagsimula ang sunog at inaalam pa ang naging sanhi ng insidente.

Samantala, alas-8:25 ng gabi nang ideklarang fireout ang naturang sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.