P2 Dagdag-Pasahe sa Jeep, Inihirit

INIHIRIT NG transport group na Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na buhayin nito ang P2-fare hike petition na naisampa nila noong mga nagdaang buwan para maging P10 ang minimum na pasahe sa mga pasahero sa jeepney.

Ang P2-fare hike petition ay nailagay na lamang noon ng LTFRB sa archive dahil bumaba ang halaga ng gasolina ilang araw makaraang maisampa sa ahensiya ang petisyon.

Sa ngayon, inihayag ni ACTO President Efren de Luna na mainam na buhayin ng ahensiya ang kanilang petisyon dahil sobrang taas na ngayon ng halaga ng mga produktong petrolyo na umaabot sa P45 kada litro ang halaga ng diesel at P55 per liter sa gasolina.

Kamakailan ay naghain ng motion to lift archive at motion to set an immediate hearing para sa pag-buhay sa nasabing petisyon dahilan sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Bumaba na rin ang kita ng mga driver bukod sa nagkaroon ito ng domino effect sa halaga ng mga bilihin at mga bayarin sa serbisyo.

Samantala, November 2012 ay itinigil ng LTFRB ang pagbusisi sa nasabing petisyon dahil nagkaroon noong panahong iyon ng oil price rollback.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.