P2.86-B para sa upgrading ng PNP

SINABI NG Palasyo ang pagpapalabas ng Department of Budget and Management ng P2.86 bilyon budget sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagamitin sa pag-upgrade ng kagamitan ng Philippine National Police (PNP).

Inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang naturang pondo ay para sa “Philippine National Police Operational Transformation Plan of DILG”.

Kabilang sa lalaanan ng pondo ang pagbili ng 1,000 patrol jeeps, 13,597 assault rifles, at 4,997 mobile videos.

Kasama rin sa nasabing pondo ang P344 milyon para sa minor repairs at repainting ng nasa  810 police stations, ang pagbili ng M4 magazines at kits para sa  PNP Maneuver Units.

Samantala, naglaan din ang DBM ng P655 milyon para sa pag¬buo ng bagong posisyon at pagkuha ng 7,439 non-uniformed personnel na itatalaga sa mga regional offices ng PNP.

Maaalala na isa sa mga binanggit ni Pangulong Noynoy Aquino III sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA) ang  plano na i-upgrade ang kagamitan ng mga PNP at ang pagkuha ng mga bagong non-uniformed personnel na papalit sa mga pulis na nakatengga lang sa mga opisina.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.