P2.8-M Puslit na Sibuyas, Nasabat sa Maynila

NASAMSAM NG mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang 40-footer container van na naglalaman ng smuggled na sibuyas na tinatayang nagkakahalaga ng P2.8 million sa Maynila mula sa bansang Hong Kong.

Idineklarang gift items at housewares ng consignee na Jzeven Trading na may address sa San Pedro, Laguna ang nasamsam na kontrabando.

Sa bisa ng official warrant ng ahensiya, agad na nasabat ang mga sibuyas matapos iligal na ipasok sa Manila International Container Port (MICP).

Nabatid na Mayo 22 nang dumating sa pantalan ng Maynila ang nabangit na kargamento lulan ng Wan Hai Vessels.

Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Commissioner Danny Lim, wala nang pagkakataong makapag samantala pa ang mga smugglers sa bansa dahil sa mas pinaigting na pagbabantay ng mga tauhan ng Customs.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.