P2.8-M, Nakulimbat sa PAGCOR sa Mandaue City

UMAABOT SA P2.8 milyon ang nakulimbat mula sa sangay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Mandaue City, Cebu ng mismong internal security personnel ng ahensiya kamakalawa ng ala una ng madaling araw.

Pinaghahanap ng mga kinauukulan si Pascual Urian na nagawang makapasok sa vault ng ahensiya at naisilid ang pera sa dalang plastic bag.

Nagkaroon pa ng habulan sa pagitan ni Urian at mga security guard at in-charge sa vault pero nagawang pumara ng taxi at makatakas.

Tinangka ring habulin si Urian ng mga operatiba ng SWAT personnel ng Mandaue City Police subalit bigong matagpuan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.