P2.7-B budget ni P-NOY sa 2013, lusot na sa kamara

TULAD NG sa Office of the Vice President (OVP), agad ding inaprubahan ng Kamara ang panukalang 2013 budget ng Office of the President (OP).

Halos limang minuto lang tumagal ang pagdinig ng House Committee on Appropriations sa P2.7 bil-yong budget ng OP para sa susunod na taon.

Pansamantalang pinamunuan ni Negros Oriental Representative at Committee Senior Vice Chairman Jocelyn Limkaichong ang nasabing pagdinig kasunod ng pagkakatalaga kay Committee Chairman at Cavite Rep. Jun Abaya bilang bagong kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Binigyang-daan diin ang agarang pag-apruba sa budget ng OP sa pagdinig at paghimay naman sa halos P91 bilyong budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para  sa susunod na taon.

Samantala, gaya ng pagdinig sa OP, si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang humaharap sa budget hearing ng Kamara para sa DILG, kung saan siya ang acting secretary habang hindi pa ganap na nakauupo si Sec. Mar Roxas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.