P1K dagdag pensyon sa mga beterano, isusulong sa kamara

ISINUSULONG SA KAMARA de Representantes ang pagbibigay ng karagdagang P1,000 sa buwanang pensyon sa lahat ng Filipino war veterans.

Sa ilalim ng kanyang House Bill 5296, binanggit ni Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla, na dahil na rin sa tumataas na bayarin sa gamot, ospital at mga doktor, mahirap umano para sa mga beterano na makapagpagamot ng kanilang mga karamdaman.

“With their declining health conditions due to ageing, they are naturally vulnerable to illnesses and injuries and therefore, it is imperative to upgrade their pension so they can meet the increasing medical and health care expenses,” ayon kay Mercado-Revilla.

Batay sa panukala, makikinabang sa karag-dagang pensyon ang lahat ng mga beterano, kahit pa ang kanilang mga benepisyaryo.

Kukunin naman ang pondo para sa naturang programa sa pondo ng Department of National Defense (DND).

“This is one way we can recognize and reward the contributions of our war veterans notwithstanding their bravery and loyalty to our country during the wars,” ani pa ni Mercado. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.