P180-m lugi ng Pagcor: Naguiat, dapat managot

DAPAT MANAGOT si PAGCOR Chair Cristino Naguiat, Jr. sa pagkalugi ng ahensiya ng P180-M dahil sa diumano’y di nabantayang anim na insidente ng pandaraya ng isang high-roller gambler nu’ng 2011.

Idiniin ito ni ABS-CBN broadcaster Ted Failon sa programang “Failon Ngayon” noong Hulyo 7, 2012. Isinalaysay ni Failon na ang high-roller gambler ay si Ben Lui, 51, isang Filipino-Singaporean national.

Sa anim na insidente, ang modus operandi ni Lui at kanyang dalawang kasabwat ay gagamit ng hidden camera sa bahagi ng kamay upang masilip ang mga numero sa baraha. Nang madiskubre ang pandaraya, na-banned si Lui sa PAGCOR casinos. Ngunit sa ‘di malamang dahilan, habang iniimbestigahan ang kaso, muling nakapaglaro si Lui nu’ng Appreciation Night ng Airport Casino Filipino, pagkatapos bigyan ng clearance ni Naguiat si Rogelio “JB” Bangsil, head of Gaming, na palaruin ang naturang gambler.

Ayon sa salaysay, sinampahan si Lui at dalawa pa niyang kasabwat sa Pasay RTC ng syndicated estafa subalit ito’y na-downgrade sa simple estafa dahil diumano’y hinihinalang intervention ni Naguiat. Ito ang dahilan kaya nakalaya pansamantala ang mga akusado. Naglabas ng hold departure order (HDO) laban sa tatlo nu’ng Mayo 13, 2011, ngunit 5 araw bago nito ay nakatakas na ng bansa ang mga akusado. Hinihinalang may nag-tip na sa mga akusado ng HDO at inunahan na nila ito.

Idinagdag pa ni Failon na ayon sa huling balita, si Lui ay natagpuang patay sa isang hotel sa China nu’ng Agosto, 2011.

Samantala, ang ilang staff ng PAGCOR sa Airport Casino Filipino ay pinatawan ng 90-day suspension ng management.  Sila ay sina Jose Tulio, GM; Dan Enriquez, Branch Manager; at Nestor Camantigue, Pit Manager. Si William Joseph Guingona, Chief Security Officer ay pinatawan ng 15-day suspension. Si Bangsil naman na isang malapit kay Naguiat ay hindi nasuspindi at nilagay sa floating status nu’ng panahong ‘yun at itinalaga bilang bahagi ng Bidding Committee ng International Marketing ni Naguiat.

Kaugnay nito, totoo ba ang balita na diumano’y si Lui ay nag-abuloy ng P12-M sa 2010 campaign fund ni Pangulong P-Noy? Ang abuloy diumano ay kinubra ni PAGCOR Chair Cristiano “Bong” Naguiat. Maaaring ito ay may katotohanan kung susuriin ang naging aksyon ni Naguiat sa kaso ni Ben Lui. Marami ring nagtatanong kung deklarado ni Naguiat  sa SALN ang kanyang napabalitang bagong gawang P50-M mansion sa La Vista, Quezon City.

Una rito, nasangkot din si Naguiat sa isang insidente sa Macao kung saan siya ay binigyan ng VIP treatment sa isang hotel “for the rich and famous” ng isang Japanese investor sa itinatayong Manila Entertainment City sa Manila Bay Reclamation Area na labag sa PAGCOR Charter. Sa interest ng objectivity at fairness, bukas ang aming pahayagan sa panig ni Naguiat.

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.