P18-M Kemikal at Kagamitan sa Paggawa ng Shabu, Sinira sa Valenzuela

WINASAK ANG higit sa P18 milyong halaga ng sangkap at mga kagamitan sa paggawa ng iligal na droga o Shabu na nakumpiska sa isang mega-laboratory sa Parañaque City ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Dakong alas 9:00 ng umaga kahapon nang simulan sirain ang mga kemikal at kagamitan ng paggawa ng Shabu sa Green Planet Management Inc., Brgy. Punturin, ng nasabing lungsod na pinanguhan ni PDEA Usec. Arturo Cacdac Jr.

Ito ay base na rin sa ipinalabas na kautusan ng Judge Danilo V. Suarez, ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 259.

Ang itinuturing na mega-laboratory Shabu lab ay sinalakay ng PDEA noong nakalipas na Hunyo 6, 2012 sa isang abandonadong gusali na may tatlong palapag na matatagpuan sa Km. 19, East Service Road, Barangay San Martin De Porres.

May kabuuan na 61,545 litro ng likido ng kemikals habang nasa 8,444 kilo ng solido na iba’t ibang kemikal at mga gamit sa paggawa ng Shabu.

Ayon pa kay Cacdac, nagpapasalamat siya sa pamunuan ng husgado sa patuloy na pagsuporta sa kanilang tanggapan at sa hindi pagkunsinti sa mga iligal na gawain lalo na pagdating sa usaping iligal na droga.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.