P170-K na Alahas, Ninakaw ni Inday; Pati Wedding Ring, Tinangay

KABUUANG P170,000 na halaga ng mga alahas at isang cellphone ang ninakaw ng isang kasambahay sa pinagtatrabahuan nito sa Barangay Bayubay San Vicente, Ilocos Sur.

Nakilala ang salarin na si Beverly Racoma, residente ng Pudoc Norte ng nasabing bayan.

Base sa salaysay ni Aiza Mendoza Paje, amo ng suspek, naaktuhan niyang ninanakaw ng kanyang katulong ang diamond wedding ring nito na nagkakahalaga ng P40,000.

Kaagad inireklamo ni Paje sa PNP San Vicente ang salarin na umamin sa pagnakaw sa isang piraso ng hikaw na nagkakahalaga ng P80,000, baby earring na may halagang P30,000, birth stone na nagkakahalaga ng P10,000 at cellphone na nagkakahalaga naman ng P10,000 na ninakaw pa niya nitong nakaraang mga araw.

Samantala, nakahanda na rin ang kaso laban sa suspek at kasalukuyan na ring nakakulong.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.