P15 Milyon Ransom sa Binihag na Tripulante

NAKIPAG-UGNAYAN NA ang mga kidnaper sa pamilya ng kanilang dinukot na seaman sa dumukot s a isang seaman sa Basilan.

Sa ulat, P15 milyon ang hinihingi ng kidnapper kapalit ng kalayaan ni Lucio Gonzales, boat master ng  Albert Fishing Boat na pinapatakbo ng Korean firm.

Si Gonzales, residente ng Barangay Cawit sa Zamboanga City, ay puwersahang tinangay ng apat na lalaki na naka-uniporme ng sundalo habang nangingisda sa karagatang sakop ng munisipyo ng Ungkaya Pukan.

Isinakay umano ito sa junkung type pumpboat at tsaka tumakas papunta sa direksyon ng lalawigan ng Sulu.

Nabatid na tubong Bacolod City ang pamilya Gonzales at may mga ari-arian din sa General Santos City.

(EUNICE C.)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.