P15-M Halaga ng Ari-Arian, Naabo sa QC

TINATAYANG AABOT sa P15 milyon ang halaga ng ari-ariang natupok nang masunog ang isang bahay sa Sta. Catalina, Barangay Siena, Quezon City.
Nagsimula ang sunog sa unang palapag ng 2-storey na residential-commercial unit na pag-aari ng isang pacita Hao.
Inamin ng nasugatang trabahador ng pamilya na si Rodrigo Ruiz na ginagamit na bodega ng tela ang bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Base sa salaysay niya, biglang nawalan ng kuryente ang bahay bandang alas-4:00 ng kahapon ng madaling-araw na nasundan ng pagsiklab ng apoy.
Dahil tambak ng tela, mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.
Ayon kay Barangay Chairman Apple de Jesus, walang permit ang may-ari para sa isang bodega, idineklara ito para sa isang residential house.
Samantala, umabot sa ikatlong alarma ang sunod na idineklarang kontrolado bago mag-alas-6:00 ng umaga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.