P15 kinukulekta para sa test paper ng mga estudyante District Supervisor, Sinuspinde ng DepEd

SINUSPINDE NG siyamnapung araw (90) ng Department of Education (DepEd) ang isang district supervisor dahil umano sa pagkulekta nito P15 kada estudyante sa apat na elementary school sa Malabon City bilang bayad sa test papers noong school year 2010-2011.

Sa tatlong pahinang desisyon ni Director Luz Almeda, ng DepEd-National Capital Region. Si Malabon District 1 Supervisor Joven Ablola ay pormal na kinasuhan ng paglabag sa Section 9 ng Revised Rules Of Procedures ng Department of Education sa Administrative Cases, alleged grave misconduct.

Nag-ugat ang suspensiyon kay Ablola nang ito ay magpalabas ng memorandum order sa mgs principal ng Dampalit Elementary School, Santulan Elementary School, Panghulo Elementary School at Malabon Elementary School na may petsang August 11, 2010 na nag-uutos sa mga nabanggit na principal na kumulekta ng P15 sa bawat mag-aaral mula Grade ll hanggang IV bilang bayad sa test paper.

Nakasaad sa memorandum order ni Ablola, ang total na nakulekta ay kailangang i-remit sa kanyang tanggapan bago ang August 19, 2010.

Ayon kay Almeda, ang Ablola’s memorandum ay masyadong kuwestiyunable dahil nabigo itong ikonsulta sa mga teachers, school heads, parents at Parents-Teachers Associations (PTAs) bago nito ipa-tupad ang pagkulekta ng pera sa mga estudyante.

Base sa DepEd Order 41 series of 2012, si DepEd Secretary Bro. Armin Luistro ay nagbigay ng direktiba sa lahat ng school officials na walang fees na dapat kulektahin sa mga school children sa kindergarten hanggang sa Grade 4 mula sa school year 2012-2013. Sa Grade 5 pupils hanggang fourth year high school students, ay walang magaganap na pagkulekta mula June to July 2012.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.