P145-K, Nakulimbat ng Bukas-Kotse Gang

TINATAYANG NASA P145,000 halaga ng pera mula sa isang kostumer ang nakulimbat ng mga hinihinalang miyembro ng bukas-kotse gang mula sa kanyang kotse na nakaparada sa may fastfood chain sa Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union.

Nakilala ang biktima na si Alexander Lo, 32, residente ng Tarlac City, Tarlac.

Base sa report mula sa San Fernando City Police Station, nagtungo ang biktima sa nasabing  fastfood chain upang kumain at ipinarada nito ang kanyang sasakyan sa parking lot sa likurang bahagi ng gusali.

Nang bumalik ang biktima sa kanyang kotse ay natuklasan nitong nawawala ang kanyang bag na naglalaman ng nabanggit na halaga at iba pang mahahalagang papeles.

Sinasabing hindi nakita ng dalawang guwardiya ng fastfood chain ang pangyayari dahil naka-break ang mga ito.

Samantala, patuloy sa pag-iimbestiga ang mga awtoridad upang alamin ang pagkakakilanlan ng mga salarin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.