P140-M PEKENG KARGAMENTO HULI NG CUSTOMS

NASAKOTE NG MGA tauhan ng Intellectual Property Rights Division (IPRD-CIIS) ng Bureau of Customs (BoC) ang tatlong 40 footer container van na puno ng counterfeit or imitation na mga plastic sandals na tinatayang aabot sa 140 milyong piso.

Sinabi ni Commissioner Angelito Alvarez ng BoC ang nasabing kargamento ay nakapangalan sa Orient Seas Trading at Anchorage Indenture import Export.

Nabatid na ang lulan ng mga nabanggit na tatlong container ay mga counterfeit Havianas, Nike, Lacoste, Crocs at iba pang kilalang footwear brands.
Napag-alaman din ng Pinoy PARAZZI na dumating ito noon pang nakaraang buwan ng Enero ng taon kasalukuyan sa Port of Manila ngunit tila may hinala ang mga mamamahayag na nagku-kober sa BoC  na maaring hindi nagkasundo sa under the table transactions sapagkat pinaabot ng mahigit sa isang buwan bago tuluyang hinuli.

Sa ilalim ng Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP) sa loob ng isang buwan na hindi ilabas ng may-ari ang kargamento ay kinukonsidera na itong abandoned. (FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.