P14-M, inilaan ng DOLE sa quakes victims

NAKAHANDA ANG Department of Labor and Employment (DoLE) na maglaan ng maximum na P14 million para tulungan ang mga manggagawang nawalan ng tirahan sa mga lugar na sinalanta ng lindol sa Central Visayas.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, inatasan niya ang DoLE-Region 7 na maglabas ng pondo para sa emergency employment program kapag matukoy na ang mga apektadong manggagawa sa lalawigan ng Bohol at Cebu.

Samantala sa ilalim ng emergency employment program, ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng trabaho ng DoLE at ng katuwang na local government units (LGU) para sa rehabilitasyon at clearing operations sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.