P14.6-B supplemental budget, ok na sa Senado

APRUBADO NA sa committee level ng Senado ang panukalang P14.6 bilyong supplemental budget para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Una nang nakalusot sa House Committee on Appropriations ang naturang supplemental budget kamakailan.

Inihayag ni Deputy National Treasurer Christine Sanchez na available na ang pondo.

Ito ay manggagaling sa pork barrel fund ng mga mambabatas na hindi nagamit ngayong 2013 dahil sa desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklara sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) bilang unconstitutional.

Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na target nilang maaprubahan ang nabaggit na panukala sa plenaryo sa Martes, Disyembre 3.

Samantala, inihayag pa ni Drilon na kasama ang P14.6 bilyong supplemental budget sa kabuuang P55.4 billion rehabilitation fund na gagamitin sa taong 2014.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.