P137.3-B Malampaya Fund, ‘di pa nagagalaw

IGINIIT NG Bureau of Treasury na nananatiling “intact” at hindi pa rin nagagalaw ang P130 bilyong Malampaya Fund.

Ito ay taliwas sa inihayag ni Sen. Ralph Recto na nagalaw na ang nasabing pondo.

Sinabi ni Deputy Treasurer Cristine Sanchez na umabot sa P179 bilyon ang pondong nakuha mula sa Malampaya Natural Gas Project sa Palawan.

P42 bilyon ay naipalabas na habang P137 bilyon ay nananatili pa rin umano sa kaban ng bayan.

Noong 2009, P900 milyon ng Malampaya Fund ang sinasabing nawaldas gamit ang isang malawakang sistema ng katiwalian sa pamamagitan ng umano’y mga pekeng non-governmental organization (NGO) ng tinaguriang reyna ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles.

Samantala, kinasuhan na ng plunder si Napoles hinggil sa naturang Malampaya Fund scam kasama sina dating pangulong Gloria Arroyo at dating Executive Secretary Eduardo Ermita.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.