P135 dagdag-sahod, isinulong ng TUCP

MULING IPINETISYON ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang dagdag sa sahod, kahapon.

Muling inihirit ang P135 umento sa sahod ang grupo bagama’t hindi pa lagpas sa isang taon ang nahuling salary adjustment noong Setyembre.

Alinsunod sa nasabing batas, isang taon ang dapat itagal ng huling salary adjustment bago muling magpetisyon sa panibagong umento.

Pero inihayag ng TUCP na dadalhin nila ang petisyon sa Kongreso at sa Metro Manila Wage Board.

Sinabi pa ng grupo na kailangan ang umento bilang ayuda sa mataas na singil sa petrolyo at kuryente at bilang paghahanda na rin sa mga kalamidad.

Kung papayagan, papalo sa P601 ang minimum wage kada araw sa Kamaynilaan mula sa P466 na aprubado sa kasalukuyan.

Una nang binanggit ng Malacañang na walang maasahan na dagdag sa sahod ang mga manggagawa kahapon, Labor Day bagama’t ginagawan na ng paraan ang naturang  isyu sa contractualization at tax break.

Una na ring sinabi ng TUCP na hindi sila hihirit ng dagdag sa sahod kundi hihilingin lang ang pagsauli sa sobrang singil ng SSS, pagdugtong sa MRT-LRT, pagpupulong ukol sa private-public partnership (PPP) at sa collective bargaining agreement (CBA).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.