P131-M Pautang, Ipinagkaloob ng DAR sa mga Mambubukid ng Negros

NABIYAYAAN NG tiyak na P131 milyon ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) na nabibilang sa 34 na organisasyon sa Negros Occidental para sa unang limang buwan ng taon.

3,473 CARP beneficiaries ang mabibiyayaan ng nasabing pautang. Kaugnay nito ay nakatanggap na ng tinatayang P34,075,802 milyon aplikasyon ng pautang buhat sa Negros Occidental at inaprubahan na ito ng Land Bank of the Philippines.

Ayon kay Jeffrey Maningo Head ng Land Bank of the Philippines Negros Occidental Lending Center na ipagkakaloob ang kabuuang pautang sakaling maibigay nang lahat ng mga ARB ang mga dokumento.

Ang Negros ay isa sa mga pulo sa bansa na ang produkto ay asukal at isa sa mga produktong agrikultural na masidhing tinututukan ng pamahalaan upang maitaas ang produksyon gamit ang bagong teknolohiya.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.