P130-K Natangay ng Kawatan sa Nurse

HINDI NAPANSIN ng biktima na nanakaw na ang pera nito na nagkakahalaga ng P130,000 na nakalagay sa kanyang shoulder bag na iniwan nito sa loob ng sinasakyang van sa Barangay Camp 1, bayan ng Rosario, La Union.

Nakilala ang nasabing biktima na si Ma. Monaliza Paras, 50, dalaga, nurse sa Saudi Arabia at nakatira sa Barangay Trancoville, Baguio City.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, ang biktima kasama ang mga kaibigan nito ay huminto sa isang gasoline station para magkape.

Makaraan ang ilang sandali, nagulat na lamang ito nang wala na sa loob ng van ang naturang bag.

Sa paliwanag ng driver na si Soriano Rodolfo, isinara naman umano nito ang sasakyan bago iniwan ngunit naniniwala ang mga ito na puwersadong binuksan ng mga magnanakaw ang sliding window ng nasabing sasakyan.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.