Blind Item: P12M house &lot, bili ni bonggang personalidad para kay sexy star!

BLIND ITEM: EWAN kung maniniwala kami sa inispluk ng aming source na isang “White Lady” sa Balete Drive hinggil sa isang bonggang bahay somewhere there na ibinigay diumano ng isang bonggang personalidad sa isang sexy star.

“Puntahan mo, alam ko ang street. ‘Yung bahay na ‘yon, binili ni ____ (bonggang personalidad) ke _____ (sexy star). Ang halaga no’n, P12 million!”

Hmph! Talagang me detalye ka pa, ha? Pa’no naman niya napatunayang bigay nga ‘yon ni BP ke SS?

‘Wag mo nang itanong. Basta ‘wag mo lang akong i-quote. Kasama kami d’yan sa dealing nu’ng kinukuha ang bahay na ‘yan. Ang totoo, ayaw pumronta nu’ng dalawa. Ang kumuha ng deed of sale ng bahay eh ‘yung kapatid ni SS!”

Aba, me gano’ng factor? True ba ‘to? Ang balita kasi namin, bumili ng balaysung ang sexy actress, at ‘yung ibinili nito ng housing, eh, ang napagbentahan din ng house niyang wa na niya feel tirhan.

Hmph! ‘Pag me P12 million na ang halaga, parang ayaw na naming magbigay pa ng clue. Basta talasan n’yo na lang ang inyong mga mata sa pagbabasa, dahil nandiyan na ang clue.

“Hoy, off-the-record kung sino ang source mo, huh!” Sey pa ng White Lady sa Balete Drive.

by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Blind Item: P12M house &lot, bili ni bonggang personalidad para kay sexy star!

  1. haaysss.. ayan na nga yung clue oh:
    BONGANG means BONG REVILLA at
    sexy star si RUFA MAE,binenta ni Rufa Mae yung dating house nya ke Iza Calzado before tapos sabi nya sa interview non bumili sya ng bagong house worth 12million..
    yun lang yun!! wala eh,chickboy!!

    • baka bong pineda, jueteng lord. BP ang clue at you’re right bongga!
      tapos na silang dalawa ni bong. may iba na siya si josephine canonizado. ewan lang kung ma-stomach niya ang face ni ms halinghing, kasi mukhang nag-papacute sa kanya noong dumalaw sa office.

  2. Hoy, kung sino ka man na nagsulat,kahit nman kaunti na clue magbigay ka,,saan mo ba nahagilap ang kuwento mo,hinayupak ka,pinag iisip mo pa ko,,,,,buwisit,,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.