P125 Wage Hike, Papogi Lang

GINAGAMIT LAMANG umanong pampapogi at pamumulitika ng ilang pulitiko at mga mambabatas sa Kamara ang pagkakaapruba sa House Labor Committee ng House Bill 375 na nagtatakda ng P125 legislated wage hike.

Sinabi ni Kilusang Mayo Uno (KMU) chairperson Bong Labog na maga-gamit sa pulitika ang P125 wage hike increase upang makuha ang simpatiya ng mga manggagawa.

Sa pangalawang pagkakataon, nakalusot ang P125 wage hike bill sa mababang kapulungan subalit wala itong panahon para pagtibayin dahil adjourned na ang session sa Kamara kamakalawa.

Sa ilalim ng nabanggit na panukalang batas, lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor ay tataasan ng P125 ang kanilang sahod araw-araw upang maabutan ng mga minimum wage workers ang mga regular employees na mas mataas ang sinasahod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.