P125 Dagdag-Sahod, Muling Ipapanawagan ng mga Militante

KASADO NA ang kilos-protesta ng mga militanteng grupo na nananawagang ipasa ang panukalang batas sa Kamara na naglalayong dagdagan ng P125 ang sahod ng mga manggagawa ngayong araw.

Sinabi ni Neil Ambion na kakalampagin nila ang Kamara sa muling pagbubukas ng sesyon ngayong araw matapos ang mahaba-habang bakasyon.

Aprubado na aniya sa House Subcommittee on Labor Standards ang House Bill 375 o P125 Wage Hike Bill.

Ipapanawagan ng mga militante sa mga kongresista ang agarang pagpasa nito sa committee level upang matalakay na agad sa plenary ngayong araw ng Lunes, Enero 21.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.