P11.4-B plunder case vs DA Sec. Alcala

ISANG P11.4 bilyong halaga ng kasong plunder ang isasampa kontra kay Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Ayon kay Atty. Argee Guevarra ng Sanlakas party-list group,  ito’y kaugnay ng anomalya sa National Agribusiness Corporation (NABCOR) batay sa report ng Commission on Audit (COA).

Sinabi ni Guevarra na mayroong hindi na mahagilap o unaccounted na P5.6 bilyong gastos ang NABCOR noong 2009 hanggang 2011, samantalang wala pa umano sa P50 milyong budget ang nakalaan sa NABCOR bawat taon.

Hinggil dito, noong 2012-2013, gumastos pa ito ng P5.8 bilyon, kung saan P800 milyon na hindi pa nali-liquidate.

Maaalala na tumata-yong ex-officio chairman ng NABCOR si Alcala.

Sa kabilang dako, isa ang NABCOR sa mga implementing agency na nakuhanan ng pork barrel ng mga bogus non-government organizations ni Janet Lim-Napoles.

Tinatapos na lamang aniya ang detalye ng naturang reklamo.

Una na ring nagsampa si Guevarra ng kasong plunder laban kina Alcala at NFA Administrator Orlan Calayag ukol sa overpriced na bigas na inangkat mula sa Vietnam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.