P11.24-M Pinsala Ni Crising – NDRRMC

UMAABOT NA umano sa P11.24 milyon ang halaga ng nasira sa sektor ng agrikultura sa pananalasa ng bagyong Crising.

Ito ay base sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kabilang dito ang P10,087,300 sa bigas; P444,500 sa mais at P710,000 sa gulay sa Asuncion, Davao del Norte.

Nananatili naman sa apat ang napaulat na nasawi habang dalawa pa rin ang nawawala.

Sinabi rinng NDRMMC na kabuuang 51,458 pamilya o 261,570 katao ang apektado ng bagyo mula sa 189 villages sa Region 4-B (Mimaropa) Region 8 (Eastern Visayas, Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 10 (Northern Mindanao), Region 11 (Davao Region), Region 12 (SOCCSKARGEN), Caraga region at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Samantala, sa kabuuang numero, nasa 7,460 pamilya o 33,849 katao ang tumira sa 47 evacuation centers.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.