P100,000 na abuloy sa patay, ninakaw

CEBU CITY – NAKUHA ng isang magnanakaw ang mahigit sa P100,000 na abuloy sa pamilyang namatayan sa Barangay Poblacion sa lalawigan ng Argao, sa Cebu.

Unang dumulog sa mga kinauukulan si Lucila Montañez, 64, residente ng Lamakan, Argao, na kamag-anak ng namatay.

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, galing sa pinapasukang kumpanya ng anak na babae ang nasabing pera bilang tulong.

Hinihinalang ang isa sa mga bumisita ang responsable sa nasabing pagnanakaw ng abuloy sa patay. Pero hirap na matukoy ng pamilya kung sino talaga ang tumangay sa abuloy bunsod ng kawalan ng testigo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.