P100 thou na hada, tinanggihan ng dalawang aktor!

SINO ITONG DALAWANG young actor ang tumatanggi na sa P100 thousand kapalit ng isang gabing pakikipagtalik? May isang rich gay daw kasi na balikbayan ang type na makasiping ang dalawa sa nasabing halaga. Pero sad to say, medyo nag-iinarte ang mga ito at hindi trip na magpa-booking.

Kaya naman tumbling daw ang booker ng dalawa. Dati raw kasi nung mga panahong walang trabaho ang mga ito at ni singkong duling ay wala, okey na sa kakaunting halaga . Pero ngayong visible ang mga ito at maraming proyekto, ayaw nang kumagat sa P100 thou.

“Jusko ‘day!” ang sigaw ng aming kausap, “umarte-arte bah?!”

Kunsabagay, hawak naman daw ng isang rich at galanteng attorney ang isa sa young actor, samantalang ang isa ay mukhang tumigil pansamantala sa pagpatol sa mayayamang bakla. Pero tsika ng aming source, na anupaman ang mangyari kapag wala na namang proyekto ang mg ito, especially ‘yung isang young actor, papayag na naman ang mga ito sa barya-barya. ‘Yun na!

(By John Fontanilla)

loading...

9 thoughts on “P100 thou na hada, tinanggihan ng dalawang aktor!

  1. Omg grabe naman,, ndi na lng cla mag artista kisa naman pumatol sa gay wala na ba clang hiya,,, nakakaawa naman mga artista,, buti mga girls na artista ndi na ganyan?

  2. sana hindi totoo…

    may problema ba talaga sa kita ng mga taga-showbiz…

    or they’re just doing it to maintain their luxurious lifestyle…:)

Leave a Reply

Your email address will not be published.