P100-M kumpensasyon para sa hostage crisis victims, sagot ni Erap

BUKOD SA personal na paghingi ng sorry sa Tsina, mangangalap din si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ng P100 milyon na kumpensasyon para sa mga kamag-anak at biktima ng Luneta hostage crisis noong 2010.

Sinabi ng alkalde na walang mali na magpakumbaba lalo at naniniwala siya na palpak ang ginawa ng mga pulis at awtoridad sa aktuwal na operasyon na ikinasawi ng walong Hong Kong Nationals.

Umalis na si Manila Councilor Bernie na siyang emisaryo para alamin ang reaksyon ng nasabing bansa sa planong paghingi ng sorry.

Balak din ng alklade na magpunta sa Hong Kong sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

Samantala, base sa resolusyong ipinasa ng konseho ng Maynila, napagkasunduan na kaila-ngang mag-apologize ang Maynila sa Hongkong Special Administrative Region at mga pamilya ng nasawi para tuluyan nang matapos ang umano’y naapektuhang relasyon ng dalawang bansa dahil sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.