P100-K Pambili ng Gulay ng Mall, Sinikwat ng Kawatan

 

NATANGAY ANG mahigit sa P100,000 na sana ay ipambibili ng gulay ng isang mall sa General Santos City.

Ayon kay S/Insp. Hoover Antonio, hepe ng Bula PNP, ang biktima ay nakilalang si Margie Usman, empleyada ng KCC Mall sa GenSan na siyang namimili ng gulay sa palengke para ibenta sa kanilang mall.

Kuwento ng empleyada, habang kumakarga ang kanyang mga kasamahan ng kanilang pinamili, biglang hinablot ang kanyang bag na may lamang P100,000 at nadamay pa ang kanyang perang P8,000.

Nahawakan pa sa kamay ang salarin ng mga kasamahan, subalit matagumpay pa ring nakawala at mabilis na tumakbo palayo sa kanila.

Inimbitahan na ng mga kinauukulan ang biktima para makuhanan ng artist sketch ang naturang magnanakaw. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.