P100-K halaga ng Shabu, nasabat sa Bacolod

TINATAYANG NASA P100,000.00 na halaga ng pinaniniwalaang Shabu ang nasabat ng Bacolod City Police Office sa buy bust operation kamakalawa.

Ang pinagsamang puwersa ng Special Operations Group at City Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group na pinamumunuan ni Supt. Santiago Rapiz ay nagsagawa ng buy bust operation sa bahay ng maglive-in na sina Jenalyn alias Charity Jimena at Nonoy Amantillo sa Purok Tahong, Barangay 2, sa nasabing lungsod.

Ayon kay Rapiz, naabutan nila ang mga salarin na nagre-repack ng pinaniniwalaang Shabu at positibo na nabilhan ng kanilang poseur buyer.

Subalit agad naisara nina Jimena at Amantillo ang pintuan at nakatakas sa pamamagitan ng lagusan na nakakonekta sa tirahan ng kanilang kamag-anak.

Naniniwala ang mga kinauukulan na nasa paligid lang ang mga suspek at pinoprotektahan ng kanilang mga kapit-bahay upang hindi mahuli.

Nasabat ang isang bulto ng droga na nagkakahalaga ng P90,000.00, isang malaki at isang maliit na sachet ng pinaniniwalaang Shabu at P800.00 na pera.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.