P10-M suhol, inamin ni Belmonte

KINUMPIRMA NI House Speaker Sonny Belmonte na nakatanggap siya at iba pang kongresista ng P10 milyon mula sa savings ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ilang buwan matapos masibak si Chief Justice Renato Corona.

Pero hindi anya niya alam kung ito ang sinasabing Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang DAP ay pondong kinuha ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa savings ng mga ahensya na maaaring gastusin sa iba’t ibang proyekto.

Samantala, duda naman si dating National Treasurer Leonor Briones kung tamang ipamudmod ng Pangulo ang savings ng mga ahensya.

Nanawagan si Briones na magkaroon ng special audit sa DAP.

Kapwa naniniwala sina Briones at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na walang pinagkaiba ang DAP sa pork barrel.

“If the one described in the papers is true na it’s lump sum amount subject to the approval of the President, kanino pupunta, then that’s pork barrel.”, ayon sa kongresista.

Para naman kay Senador Miriam Santiago, ang DAP ay lumabag sa equal protection clause ng Saligang Batas na dapat idulog sa Supreme Court (SC).

Kinuwestyon din ni Senador Jinggoy Estrada ang pamumudmod ng milyong pisong dagdag na pondo sa mga senador at kongresista pagkatapos ng impeachment ng dating punong mahistrado.

Unang sinabi ng Malacañang na walang naganap na bihayan ng reward pero biglang kambyo ito nang sabihing ang pondong ipinamahagi ay Priority Development Assistance Fund (PDAF) na hindi lang nailabas agad.

Samantala, sinabing walang bigayan ng suhol o reward pero ang pondong ito ay hindi PDAF kundi DAP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.