P10-M pondo para siraan ang PCSO probe

NAPABALITA KAHAPON NA P10-M pondo ang inilatag ng mga ‘di kilalang grupo para sa isang smear campaign laban sa imbestigasyon ng Senado sa diumano’y anomalya ng PCSO nu’ng administrasyong Arroyo.

Ayon sa sources, ang kampanya ay tinaguriang “Oplan Matanghari” at ito ay inilunsad nu’ng nakaraang Biyernes sa ilang print, radio-TV at internet outlets.

Pinagkakalat ang lasong balita na ang Senado ay “politically motivated at pabor sa bagong PCSO board sa kanilang ginagawang im-bestigasyon.” Pinagkakalat din na ang Commission on Audit (COA) ay kakuntsaba ang new PCSO board sa mga “doctored” reports na isinumite nito sa Senado. Bukod pa rito, katakut-takot na personal na paninira ang ibinabato kay PCSO Chair Margie Juico at ang kanyang kabiyak, Philip.

Ayon din sa sources, ang well-funded campaign ay may headquarters sa Ortigas, Pasig City at sa isang kilalang gusali sa Intramuros. Kumpleto ng high-tech communication gadgets ang mga tanggapan at round-the-clock ang mga personnel dito.

Kinundena ng mga taga-masid ang maitim na pakana. “Maraming dapat paghinalaan kung sino ang mga tao sa kabila nito. Kumakalat na ba-lita na maaari raw sangkot ang isang foreign company paper supplier at illegal gambling lords,” suspetsa nila.

Samantala, umapela si PCSO Chair Margie Juico ng “calm and sobriety” sa lahat ng sector sa gitna ng umiinit at lumalalim na isyu. “Pabayaan natin na tuparin ng Senado ang kanilang responsibilidad na mag-imbestiga. Kailangang lumabas ang katotohanan at malinis ang mga inosente at maparusahan ang mga nagkasala,” sabi niya.

Idiniin muli ni Juico na ang PCSO ay walang away sa mga beneficiaries ng PCSO benefits para sa magandang layunin.  “Ngunit katungkulan namin na suriin kung ayon sa batas ang disbursements sa mga benepisyo. Katungkulan naming protektahan ang pondo ng ahensiya para makapaglingkod pa kami nang ibayo sa mahihirap,” patapos niya.

Sa pamamagitan ni Deputy Spokesperson Abigail Valte, pinapurihan muli ni President Noynoy Aquino ang house cleaning ng PCSO. “Natural maraming aaray at magagalit. Subalit papa’no tayo makapagsisimula kung puro kalat at dumi ang ating tahanan. Huwag matakot ang walang pagkakasala. Ngunit ang mga nagkasala ay dapat managot sa batas. Pinupuri namin si PCSO Chair Margie Juico sa kanyang political will. Salamat sa suporta ng sambayanan sa kanya.”

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.