P10-M Halaga ng Marijuana sa Benguet, Sinunog

UMAABOT SA higit P10 milyong halaga ng Marijuana ang sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong araw na operasyon nito sa Benguet katuwang ang Philippine National Police (PNP).

16 na plantasyon ng Marijuana ang winasak ng mga kinauukulan sa magkakalapit na lokasyon sa Sitio Lanipew at Sitio Bana sa Barangay Tacadang, Kibungan Benguet; at Sitio Bulisay at Sitio Makagang sa Barangay Kayapa, Bakun, Benguet na tinatayang may kabuuang lawak na 2,658 square meters.

Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. na kabuuang 14,400 puno ng fully-grown Marijuana plant at 3,600 piraso ng Marijuana seedlings ang ilan lang sa kanilang sinunog.

Samantala, bigong makaaresto ang PDEA ng mga taong nasa likod ng plantasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.