P10-M Halaga ng Ari-arian, Nasunog sa Pabrika ng Muebles

HINDI NAPIGILAN ng malakas na pagbuhos ng ulan ang apoy na tumupok sa isang pagawaan ng muebles sa Quezon City na tumupok sa tinatayang aabot sa P10 milyong ha-laga ng ari-arian kamaka-ilan, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Sinabi ni SFO1 Rosendo Cabillan ng Quezon City Fire Station na ang nasunog na gusali ay ang Regio Mer-chandize na matatagpuan sa  54 Cristopher St., corner King Edward St., Kingspoint Subdivision, Brgy. Bagbag, Novaliches sa lungsod.

Ang naturang pagawaan ay pag-aari ng isang Simeon Regio.

Nagsimula ang apoy sa working area ng shop, partikular sa ground floor kung saan bigla na lamang umanong may magliyab sa loob nito, ganap na ala-1:09 ng hapon.

Dalawa katao naman ang inireport na nasugatan matapos na madilaan ng apoy habang tumutulong sa pag-apula ng apoy. Sila ay kinilalang sina Carlos Mactay, at Eddie Paragas, kapwa nagtamo ng 1st degree burns.

Dahil pawang mga kahoy ang nakaimbak sa ground floor, bukod pa ang mga kemikal na ginagamit ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa lamunin ang buong establisyemento.

Samantala, inaalam pa  ang sanhi ng naturang sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.