P10-M halaga ng alahas, nakulimbat sa bahay ng negosyante

TINATAYANG AABOT NG P10 milyon ang halaga ng mga alahas na ninakaw ng mga hindi nakilalang salarin mula sa bahay ng isang negosyante sa lalawigan ng Davao.

Kinilala ang biktima na si Rohelma Tandico, nakatira sa Paramount St., Robinsons, Buhangin, Davao City.

Ayon sa report, dumaan ang mga suspek sa bintana sa kusina ng bahay ng biktima at tinangay ang tatlong mamahaling cellphones at ang safety vault na may lamang mamahaling mga alahas at dumaan sa main door ng bahay palabas.

Inihayag ni Tandico na sinira ng mga suspek ang pintuan ng kanilang masters bedroom kung saan nakatago ang vault.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na tatlo o apat na mga salarin ang pumasok at pinagtulungang bitbitin ang mabigat na safety vault.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.