P10 Dagdag-Suweldo, Insulto sa mga Manggagawa

BINATIKOS NG Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at ng ilang militanteng grupo ang P10.00 umento sa suweldo ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Alan Tanjusay ng TUCP na malayo ang P10.00 umento na inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) sa P85.00 na hinihingi nila.

Ayon kay Tanjusay, hindi ito makatarungan lalo’t malaki ang kontribusyon ng mga minimum wage earner sa sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa.

Kamakailan ay inanu-nsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aprubado na ng RTWPB-NCR ang P10.00 umento.

Nagdesisyon din ang RTWPB-NCR na isama ang P15.00 mula sa kasaluku-yang P30.00 Cost of Living Allowance (COLA) sa basic wage simula Enero 1, 2014.

Nangangahulugan na nasa P466.00 na ngayon ang minimum wage para sa mga manggagawa sa NCR.

Pero inihayag ng TUCP na iaapela nila ang P10.00 umento sa minimum na sahod.

Samantala, nanawagan naman ang militanteng grupong Partido Manggagawa sa TUCP na tipunin ang lahat ng mga labor group para ikasa ang isang pinagsanib-pwersang kilos-protesta.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.