P10-B Ilalaan ng Senado sa Visayas Rehabilitation

TINATARGET NG Senado na makapaglaan ng P10 bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng Visayas sa susunod na taon.

Sakop ng nasabing programa ang mga nasira ng Bagyong Yolanda at malakas na lindol.

Sinabi ni Senador Chiz Escudero, chairman ng Finance Committee na kukunin ang pondo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na may mga proyekto o programang hindi mahigpit na kinakailangan o maaaring ipagpaliban.

Nangangahulugan aniya ito ng pagtapyas sa budget ng bawat kagawaran.

Ayon kay Escudero, bukod ang rehabilitation fund sa calamity fund na plano ring dagdagan sa taong 2014.

Makabubuti aniya ito para sa mas mabilis na pagtugon sa mga dumarating na kalamidad sa bansa.

Kapansin-pansin din ang mga drop box sa opisina ng mga mambabatas para sa donasyon ng mga empleyado.

Posible ring mag-ambagan ang mga senador para sa mga biktima ng kalamidad.

Samantala, plano rin nilang makapagpulong sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso sa Nobyembre 18 hinggil pa rin sa pinsala ng bagyong Yolanda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.